Bago ipinid ang ika-2 China-ASEAN Expo at China-ASEAN Business and Investment Summit sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Lahing Zhuang, idinaos ngayong hapon dito ang isang news briefing para mailahad ang mga natamong bunga ng kasalukuyang ekspo at summit.
Sa kanyang talumpati sa news briefing, binigyan ng mataas na pagtasa ni Li Jinzao, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ang papel ng ekspo at summit para sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.
Napag-alamang ang kabuuang halaga ng transaksyon sa kasalukuyang ekspo ay umabot sa 1.15 bilyong Dolyares at ang bilang ng mga nilagdaang kasunduang pangkooperasyon ay lumampas sa 120.
Lumahok din sa news briefing sina Zhang Xiaoxin, pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng CAEXPO at Huang Hongmian, direktor ng Public Relation Department ng sekretaryat ng ASEAN.
|