Sa kanyang pakikipagtagpo kagabi sa Nanning sa mga dumadalaw na kinatawan ng sekretaryat ng ASEAN at sampung bansang ASEAN, isiniwalat ni Li Jinzao, pangalawang direktor ng lupong tagapag-organisa ng China-ASEAN Expo, na ang mga lider ng Tsina at sampung bansang ASEAN ay lalahok sa ika-3 ekspong ito na bubuksan sa katapusan ng darating na Oktubre.
Ayon kay Li, lalahok ang mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN sa summit meeting bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue partnership at bibisita rin sila sa ika-3 China-ASEAN Expo na idaraos nang sabay-sabay sa panahong iyon. Kaya, umaasa siyang magkakasamang magharap ang naturang mga opisyal at kinatawan ng mga mungkahi para maging mas mahusay at pragmatiko ang kasalukuyang ekspo.
|