Idinaos kahapon sa Nanning, isang lunsod sa rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina, ang pulong ng mga mataas na opisyal ng ika-3 China-Asean Expo. Nagsanggunian ang halos 60 kinatawan mula sa Tsina, 10 bansang Asean at sekretaryat ng Asean hinggil sa paghahanda para sa expo na ito.
Iniharap ng mga kinatawang Tsino ang mungkahi hinggil sa kung papaanong palalakasin ang kooperasyon sa magkakasamang pagtataguyod ng expo at isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Binigyan ng mataas na papuri ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa ang matagumpay na pagdaraos ng naunang 2 expo, at binigyan din nila ng lubos na pagpapahalaga ang planong may kinalaman sa gawain, pagsasaayos ng mga aktibidad at hakbangin para sa pagpapabuti ng ika-3 China-Asean Expo.
|