Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-Asean Expo na 3300 booth lahat lahat ang ika-3 China-Asean Expo, kay dami ng mga kalahok na bahay-kalakal sa loob at labas ng bansa sa expo at lumitaw ang tunguhing hindi makakasapat ang booth sa kinakailangan.
Idaraos ang naturang expo sa Nanning ng rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre ng taong ito. Hanggang sa kasalukuyan, may 1800 bahay-kalakal at organo sa loob at labas ng bansa ang nagparehistro para sa paglahok, at 4019 booth ang kakailanganin.
Sinabi ni Chen Wu, pangalawang tagapangulo ng rehiyong autonomong ito na masikap na pagtitipu-tipunin ng expo ang mga may bantaheng kalahok na industrya at paninda ng 10 bansang Asean para sa pagtatanghal na gaya ng kotse at mga piyesa nito, woodwork, latex, palm oil at produktong nito at iba pang produktong may katangian.
|