Bubuksan na sa Nanning, lunsod na tagapagtaguyod at tagapag-organisa ng gaganaping China-Asean Commemorative Summit bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalog o dialogue relations ng dalawang panig, ikatlong China-Asean Expo o CAEXPO at ikatlong China-Asean Business and Investment Summit.
Napag-alamang lalahok sa naturang mga kaganapan sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at gayundin ang iba pang mga lider Asean. Bilang kasalukuyang tagapangulo ng Asean, bibigkas ng talumpati si Pangulong Arroyo sa naturang mga pulong.
Napag-alamang sinimulan kamakalawa ni Pangulong Arroyo ang kanyang limang-araw na pagdalaw sa Tsina.
Magkakasunod na dumating na ng Tsina ang iba pang mga lider Asean para sa naturang mga kaganapan.
|