Idinaos ngayong araw sa Nanning, kapital ng rehiyong autonomo ng Guangxi sa timog kanluran ng Tsina ang 4 na araw na ika-3 China-Asean Expo, Caexpo. Dumalo ng seremonya ng pagbubukas sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at Gloria Macapagal Arroyo, pangulo ng Pilipinas, kasalukuyang bansang tagapagpangulo ng Asean at iba pang lider ng mga bansang Asean.
Bumigkas si Wen ng talumpati sa seremonya na ang magkasamang paghohost ng mga pamahalaan ng Tsian at 10 bansang Asean ng Caexpo ay nagpakikita ng tapat na mithiin ng 2 panig na gamitin ang pagkakataon para palalimin ang kooperasyon at itinatag nito ang plataporma para sa komong kapakinabangan at win-win situation, kooperasyon at pag-unlad at pinasulong din nito ang aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Asean sa kalakalan, pamumuhunan, turismo at iba pang larangan. Umaasa rin si Wen na patuloy na magsisikap ang 2 panig para maisakatuparan ang target na lumampas sa 200 biliyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan sa 2010.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Arroyo na walang humpay na lumalaki ang kalakalan ng Tsina at Asean, lumalaki rin ang pamumuhunan ng mga bansang Asean sa Tsina, umaasa ang Asean na mapapalaki ng Tsina ang pamumuhunan sa Asean.
|