• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-31 14:54:31    
Ika-3 China ASEAN Business and Investment Summit, idinaos

CRI

Idinaos ngayong araw sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-3 China ASEAN Business and Investment Summit. Lumahok sa seremonya ng pagbubukas sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at ang mga lider ng iba pang bansang ASEAN.

Sinabi ni Wen sa seremonya ng pagbubukas na nitong ilang taong nakalipas, napakabilis ng pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag niya na sa hinaharap, dapat ibayo pang palawakin ng dalawang panig ang saklaw ng kalakalan, palalimin ang kooperasyon sa pamumuhunan at tuluy-tuloy na pataasin ang lebel ng kooperasyon sa teknolohiyang pangkabuhayan para maitatag ang de-kalidad na malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.

Sinabi naman ni Arroyo na ang summit na ito ay isang mainam na plataporma kung saan maaaring magkaroon ang mga mamumuhunan ng mabungang pag-uusap at pagpapalitan. Ipinalalagay din niya na ang naturang summit ay magpapasulong sa estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN at sa pamamagitan nito, makakalahok nang mas mabuti ang mga bansa ng rehiyong ito sa kooperasyong pangkabuhayan ng buong daigdig.