Idinaos sa Nanning ngayong araw ang seremonya ng paglalagda sa mga mahalagang kontrata ng Tsina't sampung bansang Asean. Bawat bansang Asean ay may isang kontrata na nilagdaan nila ng Tsina.
Ito ang kauna-unahang ganitong seremonya sa idinaraos na CAEXPO.
Ang naturang 10 kontrata na nagkakahalaga ng 600 milyong dolyares ay may kinalaman sa konstruksyon, hydropower, pagtitipid sa enerhiya, paghahabi, produktong akwatiko at iba pa.
Ang proyektong Sino-Pilipino ay nagkakahalaga ng mahigit 35 milyong dolyares. Sa ngalan ng kani-kanyang kompanya, sina Jose Revilla Reyes Jr., Presidente ng Zambo Norte Bioenergy Corporation at Luo Yan, Presidente ng China CAMC Engineering Co. Ltd. ay lumagda sa kontrata.
Sina Bo Xilai, Ministro ng Komersyo ng Tsina at Asistenteng Kalihim Felicitas Agoncillo Reyes ng DTI ng Pilipinas at gayundin ang mga kinauukulang ministro ng iba pang mga bansang Asean ang tumayong-mga-saksi sa seremonyang ito.
|