Sinabi ngayong araw sa Nanning, lunsod pinagdarausan ng ikatlong China-Asean Expo o CAEXPO, ng isang opisyal ng CITEM, Center for International Trade Expositions and Missions ng DTI ng Pilipinas, na sapul nang bukasan kahapon ang ikatlong CAEXPO, sinaksihan niya ang paglalagda ng kontrata sa pagitan ng Tsina't Pilipinas na nagkakahalaga ng 25 milyong dolyares na may kinalaman sa proyekto ng pagmimina.
Kasabay ng narating na kasunduan ng dalawang bansa kahapon na nagkakahalaga ng 35 milyong dolyares hinggil sa pagtatayo ng pabrika ng bioenergy sa Pilipinas, hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang nakontratang halaga ng Tsina't Pilipinas ay nakaabot na ng 60 milyong dolyares.
Ayon sa estadistika, noong ikalawang CAEXPO, umabot sa 1.7 milyong dolyares ang nakita ng Pilipinas na mahigit 10 beses kaysa noong unang CAEXPO na 127 libong dolyares.
|