Sa katatapos na ika-3 China ASEAN Expo, nakagawa ng malaking breakthrough ang Tsina at Pilipinas pagdating sa halaga ng narating na mga kasunduan. Dalawang proyekto ang narating ng mga bahay-kalakal na Tsino at Pilipino na nagkakahalaga ng 35 milyong Dolyares at 25 milyong Dolyares ayon sa pagkakasunod.
Napag-alamang noong unang CAEXPO, kumita ang delegasyon ng Pilipinas ng 127 libong dolyares. Noong ikalawa naman, 1.71 milyong dolyares.
|