Sa Pingxiang Friendship Pass sa Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina. Pormal na sinimulan dito ngayong araw ang China-Asean Cooperation Tour, isang transnasyonal na aktibidad na nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Radio International (CRI) at iba pang mga panig.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahang maiuulat sa mga mamamayang Tsino at sa buong daigdig ang hinggil sa kultura, kabuhayan, pamumuhay at iba pang aspekto ng 10 bansang Asean.
Lumahok sa seremonya ng pagsisimula sina Wang Gengnian, Puno ng CRI, Shen Beihai, mataas na opisyal ng rehiyong autonomong ito at Nguyen Van Dong, consul-general ng Biyetnam sa Nanning.
|