Nang panayamin kamakailan ng malaking magkasanib na grupo ng radyo at telebisyon ng "biyahe na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN", ipinahayag ni Hu Qianwen, embahador ng Tsina sa Biyetnam, na ang ibayo pang pag-unlad ng kabuhayan ng Biyetnam ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataon ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at makakabuti sa pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sinabi niya na nakaraang sumapi ang Biyetnam sa World Trade Organization o WTO, mabilis na umuunlad ang kabuhayan nito at unti-unting lumalaki ang proyekto ng pamumuhunan ng bahay-kalakal ng Tsina doon at mas maraming bahay-kalakal ng Tsina ay may intensyon na palalimin ang pagpapalagayan ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa.
Inilahad pa niya na bukod ng pagpapalagayan ng kabuhayan at kalakalan, pinahigpit ng dalawang bansa ang pagpapalitang kultural at nagkamit na ng maraming bunga.
|