Nang kapanamain ngayong araw ng grupo ng mga mamamahayag ng China-Asean Cooperation Tour, ipinahayag ni Bosaykham Vongdara, kagawad ng komite-sentral ng Lao People's Revolutionary Party at tagapangulo ng samahan ng pagkakaibigang Laosyano-Sino, ang kanyang pag-asang gagawa ang FM radio station ng China Radio International (CRI) sa Vientiane ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong sa pagkakaibigan ng Tsina at Laos sa hinaharap.
Sinabi niyang nitong nakalipas na kalahating taon sapul nang simulang magbrodkast ang FM radio ng CRI, mainit na tianggap ito ng mga mamamayang Laosyano. Umaasa siyang sa hinaharap, patuloy na payamanin ng radyong ito ang nilalaman sa aspektong gaya ng impormasyon, kultura at musika, at gagawa ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng 2 bansa.
|