Ipinahayag ngayong araw ni Punong Ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos na dapat matularan ng kanyang bansa ang karanasan ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas, at igiit ang sariling landas ng reporma at pagbubukas sa labas.
Kinapanayam ngayong umaga ng delegasyon ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour si Bouphavanh. Sinabi niyang ang reporma at pagbubukas sa labas ay isang mahalagang kapasiyahan ng Laos na dapat igiit. Ipinahayag pa niyang magkapareho ang sistemang pulitikal ng Tsina at Laos, maaaring matularan ng kanyang bansa ang mga karanasan ng Tsina sa iba't ibang aspekto.
|