Sa Rangoon, Myanmar. Sinabi kahapon ni Guan Mu, Embahada ng Tsina sa Myanmar na buong tatag na igigiit ng Pamahalaang Tsino ang patakaran ng pakikipagtulungang pangkaibigan sa Myanmar.
Nang kapanayamin siya ng joint reporter group ng "China-ASEAN Cooperation Tour", sinabi ni Guan na may napakahabang kasaysayan ng pagpapalitan ang Tsina at Myanmar. Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng pagpapahalaga at pagpapasulong ng mga Pamahalaan at mga Lider ng dalawang bansa at sa ilalim ng pagsisikap ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng lipunan, nagtamo ng bagong progreso ang kanilang pagtutulungan sa mga larangang gaya ng pulitika at kabuhayan. Ang pagtutulungang ito aniya ay angkop sa interes ng kanilang mga mamamayan.
Sinabi rin niyang buong tatag na igigiit ng Tsina ang patakarang pangkapayapaan, pangkooperasyon at pangkaibigan, at magsikap ito kasama ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Myanmar para mapaunlad ang kabuhayan sa rehiyong ito.
|