Nagdaos ng preskon ngayong araw sa Kuala Lumpur, punong lunsod ng Malaysiya ang magkasanib na delegasyon ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour.
Mga pangunahing media ng Malaysiya at mga mamamahayag ng Tsina sa Malaysiya ang kalahok sa prekong ito. sa preskon, sinabi ni Sun Xinsheng, punong ng delegasyon ng Tsina na ang aktibidad na ito ay naglalayong isalaysay sa Tsina, mga bansang ASEAN at bunong daigdig ang bunga at karanasang pangkooperasyon at magandang kinabukasan ng Tsina at ASEAN sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kultura, paglalakbay, iulat ang proseso ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, pasulungin ang pangkaibigang kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Tsina at bansang ASEAN.
Si Li Chongmen, manbabatas ng Malasiya ng mataas na kupulungan at kinatawan ng Malaysian Chinese Association ang kalahok sa nasabing preskon. Ipinahayag niyang ang China-ASEAN Cooperation Tour ay isang aktibidad na may malaking katuturan, at magbibigay ito ng ambag sa pagpapasulong ng pangkaibigang relasyon ng Tsina at ASEAN.
|