• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-06-05 16:54:14    
Relasyong Sino-Brunei, huwaran para sa relasyon sa pagitan ng malaki at maliit na bansa

CRI

Ipinahayag ngayong araw dito sa Bandar Seri Begawan ng Brunei ni Tong Xiaoling, embahador ng Tsina sa Brunei na ang relasyon ng Tsina at Brunei ay huwaran para sa pantay na pantay na pakikipamuhayan ng mga malaki at maliit na bansa.

Nang kapanayamin siya ng grupo ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour, sinabi ni Tong na sapul nang itatag ng Tsina at Brunei ang relasyong diplomatiko nitong 15 taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang bilateral na relasyon. Sa hinaharap, palalakasin ng dalawang panig ang pagtutulungan sa larangan ng enerhiya at komunikasyon at patuloy na palalawakin ang pagtutulungan sa larangan ng kalusugan, edukasyon, kultura at iba pa para patibayin ang pundasyon ng pagtutulungan ng dalawang panig.