Nagkamit ng breakthrough ang gawain ng imbitasyon sa paglahok sa ika-4 na China-ASEAN Expo na idaraos sa Oktubre ng taong ito at halos dalawa't katlong exhibition booth ang inireserba.
Isiniwalat ito kahapon sa Nanning ng Guangxi ni Zheng Junjian, pangalawang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng CAExpo. Sinabi niyang aabot sa mahigit 1 libo ang mga irereserbang booth ng mga bansang ASEAN at may pag-aasang lalampas sa bilang sa nagdaang ekspo. Tinatayang aabot sa 20 libo ang mga propesyonal na kalahok sa ekspong ito.
Ang CAExpo ay isang pandaigdigang aktibidad hinggil sa pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan na nakatakdang idaos sa Nan'ning bawat taon mula noong 2004.
|