Ayon sa komentaryo na ipinalabas ngayong araw ng pahayagang People's Daily ng Tsina, ang idaraos na ika-17 pambansang kongreso ng Partidong Komunista ng Tsina, CPC ay isang mahalagang pulong sa panahong pumasok sa masusing yugto ang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng Tsina.
Anang komentaryo, may mahalagang katuturan ang pulong na ito sa pagpapalalim ng pagpapatupad ng ideya sa siyentipikong pag-unlad, pagpapalakas ng kakayahan ng pamamahala ng CPC, pagbubuklod at pamumuno ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonnalidad para sa pagtamo ng bagong tagumpay sa komprehensibong konstruksyon ng may kaginhawahang lipunan at paglilikha ng bagong kalagayan ng usaping sosyalistang may katangiang Tsino.
|