Nagpulong kahapon ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng bansa, na nagpapasiyang idaos sa Beijing sa ika-9 ng darating na Oktubre ang ika-7 sesyong plenaryo ng ika-16 Komite Sentral ng partidong ito. Imiminungkahi ng Pulitburo sa sesyong ito na idaraos sa Beijing sa ika-15 ng Oktubre ang ika-17 pambansang kongreso ng CPC.
Ipinahayag sa pulong ng pulitburo na mataimtim na lalagumin sa kongresong ito ang mga gawain nitong 5 taong nakalipas sapul noong ika-16 na pambansang kongreso, sasariwain ang karanasan ng konstruksyon ng sosyalismong may katangiang Tsino sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, at isasagawa ang estratehikong pagsasaayos hinggil sa komprehensibong pagpapasulong ng reporma't pagbubukas sa labas at konstruksyon ng modernisasyong sosyalista. Ihahalal din sa kongreso ang bagong Komite Sentral at Central Commission for Discipline Inspection ng CPC.
|