Nitong limang taong nakalipas sapul nang idaos ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, gumawa ang Tsina ng substansiyal na hakbang sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas.
Noong isang taon, lumampas sa 2 libong Dolyares ang GDP per capita ng Tsina mula 1 libo noong taong 2002 at sa gayo'y malaki ang posibilidad na mas maagang isasakatuparan ang target na itinakda sa naturang kongreso na lumampas sa 3 libo ang bilang na ito sa 2020.
Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, tumaas din ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Pawang maliwanag na lumaki ang deposito, saklaw ng pabahay bawat tao at bilang ng mga nag-aaring kotse ng mga mamamayang Tsino at lumaki nang lumaki rin ang kita ng mga magsasaka.
|