Sa isang ulat na ipinalabas kahapon ng pambansang kawanihan ng estadistika ng Tsina, sinabi nitong sapul noong ika-16 na pambansang kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at malinaw na lumalakas ang pangkalahatang puwersa ng bansa, at malinaw na tumataas ang katayuan sa daigdig at natamo rin ang bagong progreso sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan.
Ipinalalagay ng nabanggit na ulat na sapul noong naturang pulong, matatag at mabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Tsina, at matatag na tumataas ang kalidad at episensya ng operasyon ng kabuhayan nito, at mabilis na umuunlad ang kabuhayang panlabas at ang kabuuang halaga ng kalakalan ng pagluluwas at pag-aangkat ay nasa ika-3 puwesto sa daigdig.
Tinukoy ng ulat na sapul noong naturang pulong, patuloy na bumubuti ang pamumuhay ng mga residente sa mga lunsod at nayon ng bansa.
Salin: Wang Huayu
|