Ayon sa ulat ngayong araw ng Xinhua News Agency, mula ika-8 ng buwang ito, sisimulan ng sentro ng impormasyon ng ika-17 pambansang kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang serbisyo ng pagtanggap sa labas.
Ibibigay ng sentrong ito ang lisensiya ng panayam sa mga mamamahayag mula sa Hong Kong, Macao, Taiwan at mga bansang dayuhan, matatanggap ang aplikasyon ng panayam, isasaayos ang kanilang aktibidad ng panayam at ipagkakaloob ang serbisyo sa kanilang pag-uulat.
Idinaos dito sa Beijing sa ika-15 ng buwang ito ang ika-17 pambansang kongreso ng CPC.
Salin: Vera
|