Idaraos dito sa Beijing samakalawa ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) — naghaharing partido ng bansa. Mula kahapon hanggang ngayong araw, magkakasunod na dumating ng Beijing ang mahigit 2200 kinatawan sa buong bansa para lumahok sa pulong na ito.
Ipinalalagay ng mga kinatawan na sapul nang idaos ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng CPC, komprehensibong tinutupad ng Komite Sentral ng CPC na pinamumunuan ni pangkalahtang kalihim Hu Jintao ang siyentipikong ideolohiyang pangkaunlaran, at iniharap ang isang serye ng mabisang hakbangin at target ng pag-unlad, walang humpay na lumalakas ang kakayahan ng kabuhayan at tanggulang bansa ng Tsina, at natamo ng iba't ibang usapin ang napakalaking tagumpay.
Salin: Vera
|