• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-14 16:01:31    
Mga mataas na opisyal, delubhasa at mass media sa ibayong dagat, pinag-uukulan ng pansin ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC

CRI

Idaraos dito sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa iba't ibang paraan, pinag-uukulan ng mga mataas na opisyal, dalubhasa at mass media ng iba't ibang bansa ng pansin ang Pambansang Kongreso ng CPC.

Ipinahayag kamakailan sa mass media ni Pangulong Hans-Gert Pottering ng European Parliament na ang idaraos na kongreso ng CPC ay hindi lamang isang napakalaking pangyayari ng Tsina, kundi napakalahaga sa buong daigdig.

Ipinalalagay ng mga mass media na gaya ng Financial Times ng Britanya na palalakasin ng kongresong ito ang tunguhin ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Pinag-uukulan nila ng pansin, pangunahin na, ang estratehikong pagdedeploy na gagawin ng kongresong ito sa mga aspektong gaya ng kaunlarang pangkabuhayan, pagsasaayos sa kapaligiran, pagliit ng agwat ng mga mahihirap at mayayaman at pagpigil at pagpaparusa sa korupsyon.

Salin: Vera