Bubuksan dito sa Beijing bukas ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa isang preskon ngayong araw, ipinahayag ni Ginoong Li Dongsheng, tagapagsalita ng Kongresong ito na tatagal ang naturang Pambansang Kongreso mula bukas hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan. Sa kasalukuyan, handa na ang lahat para sa Kongresong ito.
Ayon sa salaysay, 2213 kinatawan ang lalahok sa ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC, at sila ay kumakatawan sa mahigit 70 milyong miyembro ng CPC.
|