Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Li Dongsheng, tagapagsalita ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na sa kasalukuyan, maraming may-ari ng mga pribadong bahay-kalakal ng Tsina ay aktibong humihiling na sumapi sa CPC, at noong nagdaang taon, mahigit 1500 may-ari ng pribadong bahay-kalakal ng Tsina ang sumapi sa CPC.
Winika ito ni Li Dongsheng sa isang preskong idinaos bago buksan ang naturang Pambansang Kongreso.
|