Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Li Dongsheng, tagapagsalita ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na nitong limang taong nakalipas, walang humpay na lumalakas ang gawain ng CPC sa paglaban sa korupsyon at pagtataguyod ng malinis na administrasyon, sa gayo'y ibayo pang napipigil ang phenomenon ng korupsyon, at maganda ang pangkalahatang kalagayan ng gawain ng CPC sa pagtatayo ng malinis na pamahalaan at paglaban sa korupsyon.
Winika ito ni Li Dongsheng sa isang preskong idinaos bago buksan ang naturang Pambansang Kongreso.
|