Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Li Dongsheng, tagapagsalita ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na patuloy na isasagawa sa kongreso ang "Kinauukulang Tadhana hinggil sa Pagpanayam sa Tsina ng mga Mamamahayag sa labas ng Bansa sa Panahon ng Beijing Olympics", at magbibigay ito ng mas mabuti at masaganang serbisyo sa mga mamamahayag.
Winika ito ni Li Dongsheng sa isang preskong idinaos bago buksan ang naturang Pambansang Kongreso.
|