Binuksan ngayong araw dito sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Magkakahiwalay na ipinahayag kamakailan ng mga lider, dalubhasa at media ng iba't ibang bansa ng daigdig ang kanilang pansin hinggil dito.
Mula noong ika-9 ng buwang ito, sinimulan ng Nouvelles d' Europe ng Pransya, pinakamalaking media sa wikang Tsino ng Europa ang pag-uulat sa ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC sa buong pahina pang-araw-araw.
Ipinahayag kamakailan ni Fazal ul Rahman, dalubhasa sa isyu ng Tsina ng Sentro ng Pananaliksik sa Estratehiya ng Pakistan na ang pagdaraos ng pulong na ito ay makakapagpasulong sa pagkaunawa ng daigdig sa mga bagong hakabangin ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagharap sa iba't ibang hamon.
Ipinahayag kamakailan ni Hans-gert Pottering, puno ng Parliamento ng EU na ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ay isang malaki at mahalagang pangyayari para sa Tsina at daigdig.
Ipinalalagay naman ng mga dalubhasa ng Financial Times ng Britanya na palalakasin ng pulong na ito ang direksyon ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina.
Salin: Jason
|