Binuksan dito sa Beijing ngayong araw ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) — naghaharing partido ng Tsina — na dinaluhan ng mahigit 2200 kinatawan. Sa ngalan ng ika-16 na Lupong Sentral, ginawa ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC ang ulat sa mga kinatawan. Nangulo sa kongreso si WU Bangguo, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC. Dumalo sa kongreso ang mga pangunahing lider ng CPC.
Tatagal ng pitong araw ang naturang Pambansang Kongreso.
|