• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-15 09:55:23    
Mga lider, dalubhasa at media sa ibayong dagat, pinag-uukulan ng pansin ang ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC

CRI

Binuksan ngayong araw dito sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Magkakahiwalay na ipinahayag kamakailan ng mga lider, dalubhasa at media ng iba't ibang bansa ng daigdig ang kanilang pansin hinggil dito.

Nagpalabas ang pahayagang Guardian ng Britanya ng isang ulat na nagsasabing ang Tsina ay isang bagong malaking bansa at lumalakas nang napakabilis ang pangkalahatang puwersa nito.

Mula noong ika-12 ng buwang ito, sinimulan ng Degens Nyheter at Svenska Dagbladet, 2 pinakamalaking media ng Sweden ang pag-uulat sa ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC pang-araw-araw at ang nilalamang nito ay may kinalaman sa kabuhayan, patakaran at iba pang aspekto ng Tsina.

Nagpalabas ang Asia News Time ng Thailand ng komentaryong lubos na pinapurihan ang pulong na ito, at ipinahayag nito ang maringal na pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng kongresong ito.

Nagpalabas naman ang Middleeast News Agency ng Ehipto ng isang artikulong tumutukoy na ang pagdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC ay nasa mahalagang yugto ng progreso ng reporma't kaunlaran ng Tsina at mayroon itong mahalagang katuturan.

Ipinahayag kamakailan ni Fazal ul Rahman, dalubhasa sa isyu ng Tsina ng Sentro ng Pananaliksik sa Estratehiya ng Pakistan na ang pagdaraos ng pulong na ito ay makakapagpasulong sa pagkaunawa ng daigdig sa mga bagong hakabangin ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagharap sa iba't ibang hamon. Kasabay ng walang humpay na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, nagiging mas mahusay ang CPC at Pamhalaang Tsino.

Salin: Jason