Binuksan ngayong araw dito sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa kaniyang ulat sa pulong, sinabi ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC na nitong 5 taong nakalipas na sapul nang buksan ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng CPC noong 2002, nagkamit ng malaking progeso ang repoma't pagbubukas at komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan ng Tsina. Tumaas nang malaki ang pangkalahatang puwersa ng bansa, dumami ang mga natamong kapankanan ng mga mamamayan at kapansin-pansing tumaas ang katayuan at impluwensiya ng Tsina sa daigdig.
Salin: Jason
|