Sa kanyang ulat ngayong araw sa ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng Komite Sentral ng CPC na palalawakin at palalalimin ng Tsina ang pagbubukas sa labas para mapataas ang lebel ng bukas na kabuhayan.
Sinabi ni Hu na pabibilisin ng Tsina ang pagbabago sa paraan ng paglaki ng kalakalang panlabas, isasaayos ang estruktura ng pag-aangkat at pagluluwas, pasusulungin ang pagbabago at pag-a-upgrade ng processing trade, puspusang pauunlarin ang kalakalan ng serbisyo, babaguhin ang paraan ng paggamit ng puhunang dayuhan at patitingkarin ang positibong papel ng puhunang dayuhan sa aspektong gaya ng pagpapasulong sa sariling inobasyon at pag-a-upgrade ng industrya.
Salin: Vera
|