Sa kaniyang ulat sa ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunita ng Tsina (CPC) na binuksan ngayong araw dito sa Beijing, ipinahayag ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC na buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Sinabi ni Hu na buong sikap na nilulutas ng Tsina ang mga hidwaang pandaigdig at mga mainit na isyu sa mapayapang paraan, tinututulan ang lahat ng porma ng terorismo; iginigiit ng Tsina ng patakarang pandepensa sa aspekto ng pagtanggulan ng bansa at hindi nagsasagawa ng arms race at nagiging bantang militar sa ibang bansa; tinututulan ng Tsina ang iba't ibang porma ng hegemonismo at power politics, hindi kailanma'y maghahari-harian at magpapalawak ng saklaw.
Inulit ni Hu na patuloy na palalakasin ng Tsina ang estratehikong diyalogo sa mga maunlad na bansa; palalalimin ang pagkakaibigan at pragmatikong pagtutulungan nila ng mga kapitbansa, aktibong isasagawa ang pagtutulungang panrehiyon; palalakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan nila ng mga umuunlad na bansa; aktibong lalahok sa mga multilateral na suliranin, isasabalikat ang mga obligasyong pandaigdig at patitingkarin ang konstruktibong papel.
Salin: Jason
|