Binuksan ngayong araw sa Great Hall of the People ng Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Dumalo sa kongreso ang mga pangunahing lider ng CPC na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Zeng Qinghong, Wu Guanzheng, Li Changchun, Luogan at iba pa at ang mahigit 2200 kinatawan. Ang naturang mga kinatawan ang napili mula sa mahigit 70 milyong miyembro ng CPC.
Nangulo sa kongreso si Wu Bangguo, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC. Sa ngalan ng ika-16 na Lupong Sentral ng CPC, ginawa ang ulat ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
May 12 bahagi ng naturang ulat ni Hu Jintao na ang pangunahing nilalaman nito ay kinabibilangan ng pagbalik-tanaw ng gawain nitong limang taong nakalipas, paglagom ng prosesong historikal ng reporma at pagbubukas sa labas nitong 30 taong nakalipas, paglahad ng nilalaman ng ideya ng siyentipikong pag-unlad at malaking katuturan nito para sa pag-unlad ng Tsina, pagtatakda ng gawain ng Tsina sa hinaharap sa mga larangan o aspektong gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, tanggulang bansa, diplomasya, unipikasyon ng bansa, pagtatayo ng partido at iba pa.
Tatagal ng pitong araw ang naturang Pambansang Kongreso.
|