Sa kanyang ulat ngayong araw sa ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nanawagan si Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng Komite Sentral ng CPC na batay sa prinsipyong isang Tsina, bigyang-wakas ng magkabilang pampang ang ostilong kalagayan at marating ang kasunduang pangkapayapaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Inulit ni Hu na ang paggigiit ng patakarang isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Nakahanda anya ang CPC na makipagdiyalogo at makipagtalastasan sa anumang partido ng Taiwan na kinikilalang ang magkabilang pampang ay kapwa nabibilang sa isang Tsina. Kasabay nito, patuloy na isasagawa at pabubutihin ng CPC ang mga may kinalamang patakaran at hakbangin para sa pagbibigay-kapakanan sa mga mamamayang Taywanes, at igagarantiya ang kanilang lehitimong karapatan at interes.
Salin: Sissi
|