Sa kanyang ulat ngayong araw sa ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng Komite Sentral ng CPC na ang demokrasya ng mga mamamayan ay buhay ng sosyalismo. Ang pagpapalalim ng reporma ng sistemang pulitikal ay dapat igiit ang tumpak na direksyong pulitikal para maigarantiya ang pagpapasiya sa sarili ng mga mamamayan, mapalakas ang kasiglahan ng partido at estado, mapasigla ang positibidad ng mga mamamayan, mapalawak ang sosyalistang demokrasya, maitayo ang sosyalistang estadong may administrasyon alinsunod sa batas at mapaunlad ang sosyalistang sibilisasyong pulitikal.
Salin: Vera
|