Sa kanyang ulat ngayong araw sa ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binigyan-diin ni Pangkalahatang Kalihim Hu Jintao ng Komite Sentral ng CPC na sa bagong yugto ng pag-unlad, kung nais patuloy at komprehensibong itayo ang may kaginhawahang lipunan at paunlarin ang sosyalismong may katangiang Tsino, dapat malalim na isakatuparan ang ideya ng siyentipikong pag-unlad.
Tinukoy ni Hu na ang ideya sa siyentipikong pag-unlad ay iniharap batay sa saligang kalagayang pang-estado ng Tsina, paglalagom ng karanasan ng kaunlarang Tsino, pag-aaral ng karanasang pangkaunlaran ng mga bansang dayuhan. Ito ay naaangkop sa bagong kahilingang pangkaunlaran at pangunahing prinsipyo ng patnubay sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng Tsina at malaking estratehikong ideya na dapat igiit at isakatuparan para mapaunlad ang sosyalismong may katangiang Tsino.
Salin: Sissi
|