Sa kanilang paglahok kahapon ng hapon sa pagtalakay sa ulat ni pangkalahatang kalihim Hu Jintao ng Partido Komunista ng Tsina o CPC sa ika-17 Pambansang Kongreso ng partido, binigyan ng mataas na pagtasa ang ulat na ito ng mga pangunahing lider ng CPC na kinabibilangan ng mga pirmihang kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng partido na sina Wu Bangguo, Zeng Qinghong, Li Changchun at Luo Gan.
Tinukoy nilang sinagot ng ulat na ito ang ilang mahalagang isyu ng CPC sa masusing yugto ng reporma at pag-unlad at ito ang isang programatikong dokumento na nagpapakita ng pagkaunawa ng CPC sa mga batas sa paghahari, pagtatayo ng sosyalismo at pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan.
Salin: Jason
|