• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-16 10:15:10    
Mga dayuhang partido, bumati sa pagdaraos ng ika-17 pambansang kongreso ng CPC

CRI

Ipinadala kamakailan ng lider ng mga partido o organisasyon ng partido ng daigdig ang mensahe bilang pagbati sa pagdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, CPC.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Jose de Venecia, tagapangulo ng pirmihang lupon ng International Conference of Asian Political Parties at ispiker ng mababang kapulungan ng Pilipinas, na ang CPC ay naging mahalagang kalahok ng rehiyong ito sa magkakasamang pagtatatag ng magkakaisang Asya at gumaganap ng mahalagang papel sa mga organisasyong panrehiyon sa Asya. Nananalig anya siya na ang pagdaraos ng kongresong ito ay makakapagsulong hindi lamang sa reporma at pag-unlad ng Tsina, kundi rin sa katatagan at harmonya ng buong Asya.

Sa kaniya namang mensahe, bumati si Megawati Soekarnoputri, pangkalahatang tagapangulo ng Partai Demokrasi Indonesia-Perjuangan, sa pagdaraos ng kongresong ito at umaasa siyang mananatiling mainam ang relasyon ng dalawang partido at magkasama silang magbibigay ng ambag sa kaunlaran at kasaganaan ng dalawang bansa.

Bukod dito, ang mga pangunahing partido ng Pransya, Rusya, Timog Korea, India, Pakistan, Brazil, Bolivia, Vanuatu at mga iba pang bansa ay nagpadala naman ng mensaheng pambati.

Salin: Ernest