Nitong dalawang araw na nakalipas, nagkober ang mga pangunahing mass media na Tsino at dayuhan sa idinaraos na ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.
Nagkober ang mga pahayagan ng interyor, Taiwan, Hong Kong at Macao sa seremonya ng pagbubukas ng kongresong ito at ulat na binasa ni pangkalahatang kalihim Hu Jintao ng Komite Sentral ng CPC.
Nagkober naman ang mga pahayagan, news agency at website ng Singapore, Malaysia, Indonesya, Indya, Turkey, Brazil, Switzerland, Pakistan, E.U., Hungary at iba pa sa pagbubukas ng kongresong ito.
Salin: Liu Kai
|