Nagpadala kahapon ng mensahe si Pangulong Pervez Musharraf ng Pakistan kay Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, bilang pagbati sa pagdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC.
Sinabi ni Musharraf sa mensahe na nananalig ang kanyang bansa na ang kongresong ito ay magiging isa pang milestone ng pagsasakatuparan ng mga mamamayang Tsino ng komprehensibong kaunlaran, kapayapaan, progreso at kasaganaan.
Sinabi rin niyang nagiging mas matatag ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Pakistan at Tsina sa pamamagitan ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Salin: Andrea
|