Patuloy sa pagpapadala ng mensahe ang mga lider at partido ng mga bansa ng daigdig bilang pagbati sa pagdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.
Anang mensahe ng Democratic Party ng Thailand, nananalig itong sa ilalim ng pamumuno ng bagong liderato, patuloy na sasagana ang Tsina at gaganap ito ng mas malaking konstruktibong papel para sa kapayapaan, katiwasayan at kaunlaran ng rehiyon ng daigdig.
Sinabi naman sa kanyang mensahe ni Yusuf Kalla, pangulo ng Golkar Party ng Indonesya, na nagsisikap ang kanyang partido na pahigpitin ang pagkakaunawaan nila ng CPC para mapasulong ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Nagpadala rin ng mensaheng pambati ang mga lider ng Balerus, Surinan, Senegal at mga partido ng Hapon, Sri Lanka, Australya, Rusya, Alemanya, Timog Aprika, Mexico, Brazil at mga iba pa.
Salin: Liu Kai
|