Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Ouyang song, pangalawang ministro ng Organization departement ng Central Committee of the Communist Party of China o CCCPC,,na sapul nang idaos ang ika-16 Pambansang Kongreso ng Partidong Komunista ng Tsina, batay sa diwa ng reporma at inobasyn, komprehensibong pinasusulong ng Partido Komunista ng Tsina o CPC ang party-building at natamo ang mahalagang bunga.
Sinabi ni Ouyang song na nitong 5 taong nakalipas, mabunga ang pagpapanibago ng teorya ng CPC, pinalakas nang malaki ang konstrusyon ng mga kasapi ng CPC at organisasyon ng CPC sa nakabababang antas, at walang humpay na lumawak ang demokrasiya sa loob ng CPC.
Sinabi din ni Ouyang song na ang paglagay ng ilang personaheng di-komunista sa namumunong puwesto ay mahalagang nilalaman at pagpakita ng pagpapanatili at pagpapabuti ng sistema ng multi-partidong kooperasyon at konsultasyong pulitikal na pinamumunuan ng CPC. Ipinahayag niyang pipiliin ng CPC ang mas maraming di-komunistang karde para italaga sila sa mga namumunong puwesto.
Salin:Sarah
|