Nitong ilang araw na nakalipas, ibinalita ng mga pangunahing media ng ibang bansa ang hinggil sa pagdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at ulat na binasa ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng CPC, sa seremonya ng pagbubukas ng kongresong ito.
Nagpalabas ng mga artikulo ang mga pangunahing pahayagan ng Biyetnam na gaya ng Nhan Dan, media ng Rusya na kinabibilangan ng Itar-tass, Ria-Novosti News Agency at Interfax, mga pangunahing media ng Britanya na gaya ng pahayagang Guardian at mga media ng Mongolia, Australya, Latvia, Portugal, Chile, Venezuala, Saudi Arabia at iba pa.
Salin: Liu Kai
|