Si Zhu Zhixin, pangalawang direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina
Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Zhu Zhixin, pangalawang direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina na hindi ganap na over-heated ang kabuhayang Tsino.
Sinabi ni Zhu na hindi nagbabago ang pagkabalanse sa pagitan ng kabuuang pagsuplay at pangangailangan ng Tsina, at walang lumilitaw na ganap, tuluy-tuloy at malaking pagtaas ng presyo na dulot ng labis na paglampas ng kabuuang pangangailangan sa kabuuang pagsuplay.
Sinabi pa ni Zhu na bagama't naisakatuparan nitong ilang nakalipas na taong singkad ang tuluy-tuloy, maalwan at may-kabilisang paglaki ng kabuhayang Tsino, namumukod pa rin ang konstradisyon at problema sa kasalukuyang pagtatakbo ng kabuhayan at hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga nakatagong krisis.
Salin: Sissi
|