Si Zhu Zhixin, pangalawang direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina(sa gitna)
Isiniwalat ngayong araw sa Beijing ni Zhu Zhixin, pangalawang direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang CPI ng Tsina noong isang buwan ay tumaas ng 6.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon at mas mababa ang bilang na ito ng 0.3 kaysa noong Agosto ng taong ito.
Sinabi ni Zhu na ang kasalukuyang pagtaas ng presyo ng mga paninda ng Tsina ay dahil sa, pangunahin na, labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural, lalo na ng mga pagkain at maliit ang posibilidad na patuloy na tumaas nang malaki ang presyo sa kabuuan.
Sinabi pa niya na hindi iniwawaksi ng Tsina ang katotohanan ng pagtaas ng presyo ng mga paninda at ituturing ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga paninda bilang pangunahing tungkulin ng makro-kontrol.
Salin: Ernest
|