Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Zhu Zhixin, pangalawang direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina na, ang tunguhin ng paglaki ng agwat sa kita ng mga mamamayan sa lunsod at nayon ay nakatawag ng malaking pansin ng pamahalaang Tsino at para malutas ang isyung ito, isinasagawa ng pamahalaan ang isang serye ng hakbangin na gaya ng pagdaragdag ng laang-gugulin sa mga lugar na mababa ang kita ng mga naninirahan, pagtatatag ng sistema ng minimum living guarantee sa lunsod at nayon, pagpapahigpit ng pagpataw ng individual income tax at iba pa.
Salin: Liu Kai
|