Sinabi dito sa Beijing kahapon ni Li Xueju, Ministro ng Suliraning Sibil ng Tsina, na sa kasalukuyan, 25 milyong magsasaka sa Tsina ang isinama sa sistema ng paggarantiya sa pamumuhay sa pinakamababang lebel.
Sinabi ni Li na bukod sa pagtatatag ng sistemang ito, itinatag naman ng Tsina ang iba't ibang uri ng sistema ng saklolo na gaya ng pansamantalang saklolo sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad, saklolong medikal sa lunsod at nayon at saklolo sa mga pulubi. Sa kasalukuyan, binigyan na ng saklolo ang mahigit 150 milyong tao, bagay na mabisang napangalagaan ang pundamental na pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayang Tsino.
Salin: Vera
|